LOURDES SCHOOL OF MANDALUYONG

A Catholic, Filipino, and Marian Capuchin-Franciscan School

ESTABLISHED 1959

Contact us

LOURDES SCHOOL OF MANDALUYONG

Shaw Boulevard,Greenhills Mandaluyong City 1152

Admin & Fax No.(631-1921) - (631-6310)

Registrar: 6339443

Grade School Department: 632-9547

High School Department: 631-6356

Senior High School Department: 637-1961

Smart/TNT: 0939-4960053 

Globe/TM: 0997-6457484 

Email: Info@lsm.edu.ph

Hours: Monday - Friday: 7:30 AM to 4:00 PM

NEWS

Buwan ng kasaysayan 2017, Ipinagdiriwang

Ni: Miguel Magbag

Ngayong buwan ng Agosto, isinasagawa ang pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan 2017 na may temang “Kasaysayan: Susi sa Nasyonalismo at Pambansang Kamalayan” kasama rin ang selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa. Ang pagpapakilala sa naturang pagdiriwang ay pinangunahan ni Gian Bautista, isang mag-aaral mula sa ika-11 baitang. Ang pagpapahayag sa mga layunin at gawain ay isinagawa sa General Assembly noong ika-14 ng Agosto.                

Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 339 na naglalayong ilipat ang Buwan ng Kasaysayan mula sa huling linggo ng Setyembre sa buong buwan ng Agosto upang mas lalong mabigyang pagpapahalaga ang kasarinlan at kasaysayan ng Pilipinas. Sa pagtutulungan ng Pambansang Komisyon sa Kultura at mga Sining at Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ay lumikha ng mga gawain sa pagdiriwang ng maayos at masaganang Buwan ng Kasaysayan. Mahalaga rin ang taong ito dahil ika-75 na Anibersaryo ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas.   

Dahil dito, ang Kagawaran ng Araling Panlipunan ay gumawa ng samu’t saring proyekto upang mas maintindihan ang kahalagahan ng kasaysayan sa lipunan, pamilya at ng sarili. Ito rin ay upang magbigay ng kamalayan at pag-unawa sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kasama rin sa mga adhikain nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga guro at mag-aaral ng paaralan na mas lalong malaman at maunawaan ang kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Ito rin ang siyang daan upang magkaroon ng pagkakaisa sa mas mabisang pagkatuto at magbigay ng pagpapahalaga sa mga pagsasakripisyo ng mga Pilipino na nakipagsapalaran at nakipagbakbakan sa ngalan ng Inang Bayan upang matamo ang kasarinlan at kamayalan. 

Ang mga programang inihanda ng Araling Panlipunan ay ang mga sumusunod: ang Eksibit na patungkol sa mga kaganapan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Pagpapalabas ng Pelikula na may kaugnayan sa Ikawalang Digmaang Pandaigdig at Kasaysayan ng Pilipinas, at Pantas-Aral ukol sa mga pinagdaanan ng mga mamamayan sa Bangsamoro. Ang iba naman ay ekslusibong gawain para sa ika-10 baitang gaya ng Sabayang Bigkas: Ang mga kagilasgilas na pakikipagsapalaran ni Juan Dela Cruz at Paglalakbay sa Enchanted Farm. Ang iba naman ay ekslusibo para sa mga baitang na nasa ika-7 at miyembro ng Social Studies Circle gaya ng Lakbay Aral sa Museo ng mga Beteranong Sundalo sa Lungsod ng Taguig. At ang iba naman ay ekslusibo para sa mga guro gaya ng Pantas-Aral sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at Lakbay aral sa iba’t ibang lugar na kapupulutan ng kasarinlan at kasaysayan.

Ang mga detalye ukol sa mga aktibiti na inihahandog ng Kagawaran ng Araling Panlipunan ay ibibigay ng mga guro sa larangang ito. Inaasahan na sa pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan ay muling manumbalik ang kaalaman at pagmamahal sa bayan ng mga mag-aaral sa Paaralang Lourdes ng Mandaluyong alinsunod sa mga turo ni San Francisco ng Assisi sa pagiging isang makabayang Pilipino. 

Copyright © 2018 Lourdes School of Mandaluyong